Friday, June 27, 2014

#ABAMATINDE02: NakapanghiHINAyang


Matagal na naming ninanais ng aking kaibigan na makapasok sa listahan ng mga estudyanteng nabibigyan ng pagkakataon na makakuha ng discount sa kanilang matrikula. Kung kaya, napagdesisyunan naming ituloy na ang plano naming ito. Kanina lamang ay tumungo kami sa opisina nila sa old grade school building, ngunit ayon sa mga estudyanteng naroon, naka-leave daw si Ma'am. (hindi ko alam kung ano ang pangalan nung Ma'am) Nasa ibang room na daw yung opisina.

Naglakad kami hanggang sa marating na namin ang 218A.

*Knocks*

Binati kami ng dalawang estudyante. Ang isa ay babae at ang isa ay beki. (Tawagin ko daw siyang ate, kuya kasi ang sinabi ko pagpasok). Ipinaalam namin ang aming pakay.

"Mag-aapply po sana kami para sa Dean's list."

"Ano ba ang G.W.A. nyo?" sagot ni Kuya/Ate (masiyahin siyang tao kaya't nakatutuwa siyang kausap)

Iniabot ng aking kaibigan ang aming printed grades na may kasamang computed G.W.A.

"Ay, ate 1.41 tsaka 1.49 hindi na abot. Sorry. Kanina nga may magaaply sana. Yung G.W.A. nya 1.38 hindi na tinanggap."

Madami na agad tumakbo sa isipan ko. Nadismaya, nanghinayang, at pinangHINAan na ako ng loob. Gayun din ang kaibigan ko. Bago kami magtungo sa opisina, nagkwento samin ang isa pa naming kaibigan na maaari daw kaming makapasok dahil yung isang nursing student pasok daw kahit na nasa 1.40+ din ang grade. Inakala ko din na pwede kaming makapasok dahil may nabasa akong announcement dun sa CAS office nung nakaraang araw. Maaari daw kaming makakuha kahit 25% na discount. Pero sa kasamaang palad, noong 2011-2012 pa yun. Binago na daw. SAKLAP. ABA MATINDE.

Malungkot at nanghihina kaming lumabas ng kwarto. At sa aming paglabas nakita namin ang listahan ng mga nakapasok noong nakaraang semestre. LINTIK. Ang tataas ng GWA nila. Ang sarap maguntog ng sarili sa pader.

Ang ABA MATINDE sa sitwasyong ito ay, bakit parang mapupunta lang sa wala yung paghihirap namin noong nakaraang semestre? Lahat ng estudyante naghihirap sa bawat takda, proyekto at mga aktibidad na ibinibigay ng kanilang mga dalubguro. Gayun din kami. Halos malapit na sa sukdulan ang paghihirap namin ngunit ang inaasahan naming maaaring maging magandang dulot nito ay parang bulang naglaho. Nais naming makatulong sa aming mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa pamamagitan sana ng maaaring discount ay mapagagaan namin ang mga gastusin. Hindi namin hinahangad ang 100%, kahit kaunti lang na pwedeng maibawas sa matrikula ay malaking bagay na para sa amin. Kung yung mga Altas Angels ay nakakukuha ng discount sa kanilang matrikula, bakit hindi nila kayang ibigay ito sa mga estudyanteng nagpupursige sa kanilang pag-aaral? Hindi lang kami ang estudyanteng naghahangad makapasok sa Dean's List. Maraming mga estudyante ang nangangarap at naghihirap para dito. Ngunit parang ipinagkakait ng aking pamantasan ang pribilehiyong ito?

Siguro nga masyadong mataas ang kailangang grado para makapasok sa listahan na yun. Sa kasamaang palad maaaring hindi kami makapasok (susubukan kasi naming kausapin yung si Ma'am sa Lunes MAGBABAKASAKALI) sa listahan ngayong semestre. Ngunit hindi kami titigil sa pag-aaral nang mabuti. Pagsisikapan naming umabot ang aming magiging GWA upang sa susunod na kami'y maga-apply wala ng panghihinayang at kalungkutan. Gayun pa man, ipagdarasal ko na lamang ang lahat ng ito sa ating Maykapal.

Amen.

###

No comments:

Post a Comment